COVID-19 CASES SA NCR, HIGIT 5K KADA ARAW

INIHAYAG ng OCTA Research Group na pumalo sa tatlong porsyento ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR) sa nakaraang buong isang linggo.

Ayon sa OCTA, katumbas ang nasabing porsiyento ng “daily average” na 5,146 mga kaso ng COVID-19 mula Marso 31 hanggang Abril 6.

Nilinaw ng OCTA na ang nasabing impormasyon ay isang linggo lamang ang sakop.

Ngunit hindi nangangahulugang kitang-kita na ang buong itsura ng kondisyon ng COVID-19 sa NCR dahil sinabi ng OCTA na “We are not seeing the complete picture with respect to growth rate and trends, and once late data comes in this week, there will be some corrections in the findings”.

Ipinunto rin ng grupo na mayroong mga parte sa NCR na negatibo ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 mula Marso 31 hanggang Abril 6 tulad sa lungsod ng Makati, Pasay, Mandaluyong, Taguig, Navotas at Maynila.

Napansin din ng OCTA na mayroong maliit pang growth rate ng mga kaso ng COVID-19 na naobserbahan sa Las Piñas City at Parañaque City. (MARINHEL T. BADILLA)

494

Related posts

Leave a Comment