DE-KALIDAD NA EDUKASYON NG MARIKINA CITY UNI PINURI; 1ST-TIME NURSING EXAM TAKERS PASADO

NAKAMIT ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar) ang 100-porsiyentong passing rate para sa first-time takers ng November 2024 Nursing Licensure Examination, na nagpatibay sa dedikasyon nitong magbigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga estudyante ng Marikina City.

Kinilala ang 67 first-time takers at walong iba pang nakapasa sa flag ceremony sa Marikina City Hall. Sa nasabing event, pinuri ni Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro ang mga nakapasa sa pagbibigay karangalan sa siyudad at pagbibigay diin sa de-kalidad na edukasyon na hatid ng PLMar.

“Proud na proud kami ni Mayor Marcy dahil sa achievements ng ating PLMAR sa nakalipas na nursing licensure exams. Patunay lang ito ng de-kalidad na edukasyon na ibinibigay ng ating unibersidad sa ating mga estudyante,” wika ng mambabatas.

“Kasama sa pagkilalang ito ay ang handog ng lungsod na cash gifts para masuklian ang kanilang kahusayan,” dagdag pa niya.

Muling iginiit ni Teodoro ang patuloy niyang suporta sa PLMar, upang lalo pa nitong mapaigting ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga residente ng Marikina.

“Maaasahan niyo ang buong suporta ko at ni Mayor Marcy Teodoro para i-level-up pa ang alaga sa edukasyon para sa Marikina,” wika pa niya.

Dalawang parangal ang nakuha ng Marikina City kamakailan, kasama ang 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) sa ikalawang sunod na taon at ang 2024 Kaagapay sa Kalusugan at Kapaligiran for Sewer Coverage Award mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS RO).

Sinimulan kamakailan ng lokal na pamahalaan ang dredging ng Marikina River bilang pangunahing proyekto nito. Sa tulong nito, nabawasan nang malaki ang pagbaha tuwing may bagyo at malakas na ulan.Lumapad ang ilog mula 50 metro hanggang halos 100 metro, kaya’t nadagdagan ang kapasidad nito at napigilan ang pag-apaw at pagbaha sa lungsod.

Bumili rin ang pamahalaang lokal ng amphibious long-arm backhoe upang mapabuti ang pagpapatupad ng proyekto. Napansin ng mga residente na epektibo ang inisyatibang ito dahil mabilis nang humupa ang tubig-baha sa mga nakaraang bagyo.

15

Related posts

Leave a Comment