ENTERTAINMENT CLUB SA MAYNILA, NASUNOG

TINUPOK ng apoy ang ilang bahagi ng isang entertainment club sa Remedios Street malapit sa Adriatico Street, Malate, Manila nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa ulat ni Police Major Edwin Fuggan, hepe ng Remedios Police Community Precinct, na isinumite kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, station commander ng Manila Police District Station 5, bandang alas-11:35 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa Matenrou Entertainment Club sa nasabing lugar.

Agad namang ini-report ni Police Staff Sergeant Jodel Jovero kay Major Fuggan ang insidente. Mabilis na nagresponde ang mga awtoridad upang mapigilan ang posibleng magsasamantala sa insidente bago ipinabatid sa Bureau of Fire Protection.

Bunsod ng mabilis na pagresponde ng mga bumbero, bandang alas-12:04 ng hapon nang ideklarang fire under control ang insidente, ayon kay kay SFO1 Gapuz .

Hanggang sa tuluyan itong maapula dakong alas-12:30 ng hapon.

(RENE CRISOSTOMO)

360

Related posts

Leave a Comment