FORWARD NEGOSYO NI NOGRALES KASAMA SA TUMAL AT BIYAYA

INIHAYAG ni Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles na malaki o maliit man ang ating negosyo, ramdam na ramdam natin ang tumal ngunit tuloy pa rin ang kanyang suporta sa mga residente ng Montalban.

Aniya, minsan hindi maiiwasang mahina ang benta, mababa ang kita, at lumulobo ang gastusin, subalit hindi tayo dapat panghinaan ng loob.

Ang mahalaga aniya, kahit matumal ang negosyo, hinding-hindi tayo susuko.

Sa halip ay ipakita aniya natin ang dobleng kayod, tamang diskarte, sipag, at tiyaga, kalaunan ay makakaraos din tayo at aapaw muli ang biyaya.

“Kaya isang mahigpit na yakap po para sa lahat ng ating negosyanteng palaban, at congratulations po sa inyong Forward Negosyo food cart. Sasamahan ko po kayong lahat sa panahon ng tumal at biyaya, banggit pa ng batang mambabatas.

Samantala, binisita naman ni Nograles kamakailan ang 1k1 Kasiglahan, Brgy. San Jose upang magbigay ng tulong pinansyal at ayuda, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), para sa senior citizens, solo parents, PWDs, mga mag-aaral, at kapos-palad na mga kababayan.

Sinabi pa ng mambabatas na nakipag-ugnayan din siya upang alamin ang umiiral na mga isyung panlipunan sa Kasiglahan at kung paano siya makatutulong bilang lingkod bayan.

(JOEL O. AMONGO)

71

Related posts

Leave a Comment