SINIBAK sa serbisyo ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isa nitong tauhan matapos mapatunayang ginamit nito ang isang “government vehicle” sa pagsakay sa ilang prostitute sa videoke bar noong Disyembre 2019
Kinilala ni PCG Spokesman Capt. Armand Balilo , ang sinibak na personnel na si Seaman Second (SN2) Abulhair S. Turabin dahil sa kasong grave misconduct.
Ang pagsibak sa tingkulin kay Turabin ay base sa rekomendasyon ng PCG-Logistics Command kung saan si Turbin ay personnel sa ilalim ng Real Estate Management Office of the PCG-Logistics Command.
Nabatid na nakunan ng video si Turabin na pumik-ap ng dalawang babae sa Heart Beat Bar at saka dinala sa isang bahay sa Quezon City.
Nang matanggap ng PCG ang reklamo, kaagad na isinailalim sa preventive suspension si Turabin.
Kaagad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang PCG matapos na maiparating sa kanila ang reklamo.
Ayon kay Balilo, hindi kinukunsinti ni PCG Commandant Admiral Joel Garcia ang mga maling gawain ng sinumang nasa loob ng kanilang hanay.
Ang pagkaka-dismiss sa tungkulin kay Turabin ay magsisilbing babala umano sa iba pang mga tauhan ng PCG lalo na iyong mga pasaway na personnel. (RENE CRISOSTOMO)
168