JIMUEL AT HEAVEN NAKARAMDAM NG GALIT SA ISA’T ISA

BILANG panganay na anak nina Manny ay Jinkee Pacquiao ay nakaranas din ng palo si Jimuel Pacquiao  noong kanyang kabataan. “Yeah! kasi makulit po ako noong maliit ako eh. Hindi naman po ‘yung grabe talaga. I feel blessed that I’m part of the family and he’s my dad. As a father he really raised us well. Like to me he’s the best dad anyone can ever have,” nakangiting pahayag ni Jimuel.

Pagdating sa pagdidisiplina sa kanilang magkakapatid ay mas mahigpit daw ang ina ayon kay Jimuel. “She’s more vocal, kasi si Dad konti lang ang sasabihin niya. Pagdating sa disciplining like kapag may mali kaming nagawa, that’s Mom talaga,” dagdag ng binata.

Katulad ng ama ay nahilig din ang Jimuel sa pagboboksing. Tutol din umano si Jinkee sa pagkahilig ni Jimuel sa boksing. “Yes po, first time ko kasi magpaalam na gusto kong lumaban. Kasi eventually I just keep training tapos hindi na nila ako mapigilan. Actually kung siya (Manny) ang tatanungin po, hindi na raw kailangan mag-boxing. Pero kung gusto ko raw po talaga, he would just support me,” pagbabahagi niya.

Samantala, matatandaang nagkahiwalay bilang magkasintahan sina Jimuel at Heaven Peralejo noong isang taon. Ayon sa binata ay talagang hindi na bumalik ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa kahit noong nagkabalikan pa sila. “It was really tough the way we ended the first… we got back again. Kasi po it’s the first time I’m gonna say it na lang. It was really tough and parang may galit po kasi the first time hindi po maayos ‘yung pagka-break. Sa isa’t isa (may galit) that time. Over time naman po nawawala naman po kasi ‘yung galit. Tapos parang no’ng galit kami parang ni-regret namin kaya napag-usapan din namin ‘yon kaya parang nagkabalikan kami. Pero the second time around it was like a peaceful break up. Ngayon we’re good with each other. Sometimes we have shows outside and wala naman po kaming problema sa isa’t isa,” pagtatapat ni Jimuel.

Ngayon ay kay Barbie Imperial naman nauugnay ang binata. “Actually we’re really good friends. Hindi po (nanliligaw), friends po. Different level, ngayon po, wala po.” pagtatapos ni Jimuel.

 

860

Related posts

Leave a Comment