(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ)
IPRINOKLAMA na ng Manila Board of Canvassers si Francisco “Isko” Domagoso Moreno bilang bagong halal na Mayor ng Maynila at Honey Lacuna bilang Bise alkalde ng Lungsod ng Maynila sa San Andres Sports Complex
Sa gitna ng mga hiyawan at pagbubunyi ng mga supporters, itinaas ang mga kamay ng mga bagong halal na opisyal ng lungsod kung saan tinalo ang ilang taong pamamayag ni dating alkalde at presidente Joseph ‘Erap’ Estrada.
Nauna rito ay tumanggi pa munang maiproklama ang dating Vice Mayor dahil gusto nitong tapusin muna
ang bilangan ng mga boto bago magpa proklama, kasama ang kanyang Vice Mayor Honey Lacuna.
Hanggang sa matapos ang bilangan ay hindi nag-concede si Estrada.
Nabatid na 77% na ng mga election return ang nabilang sa Maynila at pansamantalng itinigil dahil sa puyat at pagod ng mga guro at muling nagbalik dakong alas 3:00 ng hapon.
Sa ipinalabas na partial at unofficial report ng Comelec, nakakuha na ng botong 353,579 si Domagoso; Manila Mayor Joseph Estrada, 207,976; at Manila Mayor Alfredo Lim,137,041.
Habang sa pagka Vice Mayor, nakakuha ng botong 389,368 si Lacuna laban sa kanyang katunggali na si dating Rep. Amado Bagatsing na nakakuha ng botong 264,488.
153