KARNE, PRUTAS NASABAT SA NAIA-BOC

BOC-NAIA-3

(NI FROILAN MORALLOS)

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tinatayang aabot sa 21.2 kilos ng karne galing sa tatlong bansa, na kinabibilangan ng China, Malaysia at Vietnam.

Nakuha sa mga pasahero ang mga chicken feet sa loob ng kanilang mga bagahe na nadiskubreng walang mga import pernit.

Bukod sa mga karne na-intercept din ang 8.2 kilos ng prutas at mga gulay na sinasabing galing sa bansang China .

Agad naman ilinipat ang mga naturang confiscated items sa Bureau of Animal Industry  (BAI).

 

204

Related posts

Leave a Comment