NANGANGAMBA ang Department of Health (DOH) sa posibleng balik-sirit ng sakit na leptospirosis matapos ang matinding pagbaha dulot ng Bagyong Kristine.
Ito ang isiniwalat ni DOH Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, inaasahan umano ang pagtaas ng kaso ng sakit mula sa ihi ng daga sa susunod na dalawang linggo.
Nitong Linggo nakapanayam ang opisyal at sinabi nito na bumaba na ang mga kaso ng leptospirosis bago ang pananalasa ng bagyo ngunit maaari itong tumaas muli sa mga susunod na araw dahil maraming tao ang nalantad sa baha.
Gayunman, puspusan ang pagbabantay ng kagawaran dahil ina-anticipate na tataas ang mga kaso ng leptos sa dami ng mga nabaha.
Umapela si Domingo sa publiko lalo sa mga indibidwal na lumusong sa baha na agad pumunta sa pinakamalapit na health center o kumunsulta sa doktor sa mga evacuation center para malaman kung kailangan uminom ng antibiotics. (JULIET PACOT)
34