BUMABA nang bahagya ang bilang ng mga batang naia-admit dahil sa tigdas sa San Lazaro Hospital.
Gayunman, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na hindi dapat maging kampante dahil hindi pa normal ang kaso ng tigdas higit sa National Capital Region (NCR).
Nagsagawa na ng pulong sa lahat ng opisyal sa NCR at hinimok ng DoH na tulungan silang himukin ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para makaiwas sa sakit.
Dahil dito, magbubukas na ang mga health center sa mga lungsod at munisipalidad sa buong NCR kahit pa weekend.
Nagsagawa na din ng ad campaign ang DoH sa telebisyon sa pangunguna ni Senador Manny Pacquiao na tumulong din sa panawagan para mapigil ang pagkalat pa ng sakit.
Tinataya ng World Health Organization (WHO) na papalo pa sa higit dalawang milyon ang posibleng tamaan sa sakit sa buong mundo kaya’t nagbigay babala sa tamang pag-alaga sa mga bata.
Maami pa ring magulang ang takot pabakunahan ang kanilang mga anak matapos ang palpak na immunization program sa nakaraang administrasyon kontra dengue kung saan nangamatay ang ilang batang nabakunahan ng Dengvaxia.
301