KANDIDATO TIPID NA SA POLITICAL ADS

down16

(NI LILIBETH JULIAN)

MALAKING oportunidad para sa mga kandidato at partido sa halalan ang pag-apruba sa malaking diskwento sa political advertisement  matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para rito.

Kahapon nang kumpirmahin ni  Executive Secretary Salvador Medialdea na pirmado na ng Pangulo ang ‘Act Providing for Reasonable Rates for Political Advertisements’, na naglalayong mabibigyan ng mas malaking discount para sa political advertisements sa mass media ang mga kandidato at partido tuwing eleksyon.

Nakapaloob sa R.A 9006 o Fair Election Act na inamyendahan, mula sa dating 30 percent para sa political advertisement sa telebisyon ay 50 percent na habang sa radyo na dating 40 percent ay 20 percent na at mananatili naman sa 10 percent ang bawas sa print media.

Sa sisteng ito, malaking tulong ang diskwento para sa mga kandidato at partido na maipaabot sa publiko ang kanilang adhikain sa mainstream media.

Kaya umaasa ang Malacanang na magiging kapaki-pakinabang ito sa mga tumatakbo ngayong nalalapit na May 13 elections.

 

71

Related posts

Leave a Comment