MALABON ACTIVE CASES UMAKYAT SA 105

ISA ang namatay sa COVID-19 sa Barangay Longos, Malabon City noong Pebrero 5, ang ika-343 binawian ng buhay sa lungsod dahil sa pandemya, ayon sa City Health Department.

Ayon pa sa CHD, anim ang nadagdag na confirmed cases at 6,358 na ang positive cases sa lungsod,105 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Catmon (1), Dampalit (4) at Tonsuya (1).

Sa kabilang dako, 11 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling.

Ang mga ito ay mula sa Barangay Dampalit (1), Maysilo (3), Potrero (4), Tinajeros (2) at Tonsuya (1). Sa kabuuan ay nasa 6,010 ang recovered patients natin.

Samantala, lumobo sa 221 ang active cases sa Valenzuela City noong Pebrero 5 matapos na 33 ang madagdag sa confirmed cases at walang maitalang gumaling.

Umabot na sa 9,392 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod. Sa bilang na ito ay 8,905 na ang gumaling at 266 ang namatay.

Sa lungsod naman ng Navotas ay isang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang nadagdag at may isa ring gumaling. (ALAIN AJERO)

129

Related posts

Leave a Comment