MANDATORY EVACUATION INIUTOS BAGO DUMATING ‘TS LEON’

UPANG wala nang humabol pa sa Undas na pamilyang magluluksa, agad ipinag-utos kahapon ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro ang mandatory evacuations sa mga peligrosong lugar na posibleng hagupitin ng papalapit na Tropical Storm Leon.

Sa 8:00 am situation report ng Office of Civil Defense, nasa 125 na ang nasawi sa nagdaang Bagyong Kristine, 28 ang nawawala habang may 115 naman ang sugatan. Paglilinaw ng ahensya, under validation pa ang bilang ng mga nasawi kaya posible pa itong madagdagan.

Kahapon ay nagpalabas ng direktiba si Teodoro, Jr., na siya ring chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na agarang ipatupad ang puwersahan o mandatory evacuations sa mga lugar na tinutukoy na high risk areas dahil sa inaasahang masamang panahong idudulot ng Tropical Storm Leon.

Bilang tugon, agad nagpalabas ng memorandum ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na nilagdaan ni Officer-in-Charge Undersecretary Lord A. Villanueva sa lahat ng Local Government Units (LGUs) para tumalima.

Ayon naman kay Undersecretary Ariel Nepomuceno, administrator ng Office of Civil Defense (OCD), ang nasabing kautusan ay inilabas sa gitna ng pinaigting na humanitarian assistance and disaster response ng national government para maayudahan ang mga naapektuhan ng Severe Tropical Storm Kristine, na nakalabas na ng Philippine area of responsibility, habang nagbabanta naman ang panibagong bagyo.

Inaasahang lalakas ang Tropical Storm Leon sa loob ng 24 oras at tuluyan na itong magiging isang typhoon. (JESSE KABEL RUIZ)

62

Related posts

Leave a Comment