MANGINGISDA NILIKIDA SA KALSADA

patay

PATAY ang isang mangingisda nang pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Namatay habang itinatakbo sa Ospital ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Rolando Suangco, 43, ng Brgy. Navotas West, Navotas City.

Dakong alas-12:10 ng madaling araw, nakaupo si Suangco sa gutter ng kalsada sa Women’s Club St., Brgy. Hulong Duhat, Malabon nang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ng isa sa mga ito ang biktima saka tumalilis.

Natagpuan sa crime scene ang apat na basyo ng bala, isang metal jacket at isang deformed bullet.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang mga suspek at kung bakit itinumba ang biktima. (ALAIN AJERO)

12

Related posts

Leave a Comment