(NI HARVEY PEREZ)
BAWAL ang mga kandidato na tatakbo sa midterm elections sa Mayo 13 na magpaskil ng mga campaign materials sa mga pasilidad ng Light Rail Transit (LRT) at maging sa iba pang government transport facilities .
Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez, mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng campaign materials sa mga government-run infrastructure, gaya ng LRT at Metro Rail Transit Line 2.
Nabatid na si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagpahayag na bawal gamitin ang mga government resources sa pangangampanya.
Ayon kay Jimenez, makikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Transportation (DOTr) para sa pagbabaklas ng mga campaign advertisements na nakapaskil sa LRT.
“Sinabi ni Presidente na bawal gamitin ang government resources. We will see how far the people concerned are giving life to this. We never said it is okay and it is prohibited by law,” ayon kay Jimenez.
Sa Pebrero 28, sisimulan na ng task force ang pagbabaklas ng mga illegal campaign materials na wala sa takdang sukat at yaong wala sa mga deklaradong common poster areas.
352