(NI ROSE PULGAR)
NGAYONG linggo ay magpapatupad ng katiting na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa.
Ito ay base sa pahayag ng ilang oil industry sources dahil sa pagsigla ng halaga ng piso laban sa US Dollar sa pagsasara ng trading nitong Biyernes.
Sa kanilang pagtaya nasa P0.10 hanggang P0.15 kada litro ang tapyas sa presyo ng diesel habang P0.20 hanggang P0.25 kada litro naman sa gasolina.
Asahan na rin ang pagbaba ng P0.20 kada litro sa presyo ng kerosene ng energy sources.
Tuwing araw ng Martes ipinatutupad ang pagbawas o pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Mula noong Enero ay umabot na sa halos at P5 bawat litro ang naging dagdag sa presyo ng gasoline samantalang nasa P4 naman ang sa halaga ng diesel.
204