DAGDAG-BAWAS SA OIL PRODUCTS IPATUTUPAD

gaso
0

DAGDAG-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang magaganap sa Nobyembre 12.

Bawas-presyo sa presyo ng diesel ang ipatutupad habang sa susunod na linggo ay magkakaroon naman ng taas- presyo sa gasolina.

Ipatutupad ang mula P0.90-P1.00/litro dagdag sa presyo ng gasolina habang nasa P0.10-P0.20/litro naman ang rollback sa diesel. Sa kerosene ay nasa P0.10-P0.20/litro ang ibabawas sa presyo.

Sa kabuuang mula Oktubre 1 ay nasa P2.55 ang naibawas sa presyo ng diesel habang higit sa P3.00 naman ang naging bawas sa presyo ng gasolina sa parehong panahon.

 

Read More

ROLLBACK  SA OIL PRODUCTS

oil price hike
0

(NI ROSE PULGAR)

NGAYONG linggo ay magpapatupad ng katiting na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa.

Ito ay base sa pahayag ng ilang oil industry sources dahil sa pagsigla ng halaga ng piso laban sa US Dollar sa pagsasara ng trading nitong Biyernes.

Sa kanilang pagtaya nasa P0.10 hanggang P0.15 kada litro ang tapyas sa presyo ng diesel habang P0.20 hanggang P0.25 kada litro naman sa gasolina.

Asahan na rin ang pagbaba ng P0.20 kada litro sa presyo ng kerosene ng energy sources.

Tuwing araw ng Martes ipinatutupad ang pagbawas o pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Mula noong Enero ay umabot na sa halos at P5 bawat litro ang naging dagdag sa presyo ng gasoline samantalang nasa P4 naman ang sa halaga ng diesel.

Read More

PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, WALANG PAGGALAW

price freeze 44
0

(NI ROSE PULGAR)

BIHIRANG mangyari ito, walang magaganap na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ngayong Martes, (Agosto 6).

Mistulang nagkaisa ang lahat ng mga kumpanya ng langis na hindi galawin ang presyo ng petrolyo ngayong linggo makaraang unang matantiya ang maliit na pagbabago sa presyo.

Sa kani-kanilang advisory, nagpasabi ang PTT Philippines Pilipinas Shell, Chevron Philippines (Caltex), Seaoil Philippines, Flying V, at maging ang small-player na Petro Gazz na wala silang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Wala pang abiso ang ibang kumpanya ng langis ngunit inaasahan na susunod rin sila na wala rin paggalaw sa presyo ng petrolyo.

Karaniwang ipinatutupad ng mga kumpanya ng langis ang paggalaw sa presyo ng petrolyo tuwing Martes ng umaga, maging price hike ito o rollback.

Ngunit ngayong Martes, asahan ng mga motorista na mananatili ang presyo ng petrolyo.

Una nang tinantiya ng mga oil experts ang posibleng pagbaba ng P0.15 sentimos kada litro sa gasolina at pagtaas ng P0.10 sentimos sa kada litro ng diesel at kerosene.

Ang “price freeze” ay makaraan na magpatupad noong nakaraang linggo ng rollback sa presyo ng gasolina at bahagyang pagtaas naman sa diesel at kerosene.

 

 

 

Read More

BAWAS-PRESYO SA GASOLINA IPATUTUPAD 

oilprice12
0

(NI ROSE PULGAR)

AASAHAN ng motorista ang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo na ipatutupad ng mga kompanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bumaba ng P1.00 hanggang P1.15 sa presyo ng kada litro ng gasoline habang may marahil na pagtaas na 10 sentimos sa diesel at kerosene.

Kaugnay nito, maagang nag-abiso nitong Sabado ang Phoenix Petroleum Philippines para sa ipatutupad nitong bigtime rollback na P1.00 sa presyo ng kanyang gasolina na epektibo dakong alas- 6:00 ng umaga ng Linggo, Hulyo 28.

Ang napipintong dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Nitong Hulyo 23, bumaba ng 40 sentimos ang kerosene, 25 sentimos sa gasolina at 20 sentimos naman sa diesel.

Read More

OIL PRICE ROLLBACK ULIT

rollback12
0

( NI ROSE PULGAR)

MULING nagpatupad ng bawas presyo sa ilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo, Martes, (Mayo14).

Inianunsyo ang pagpapatupad ng oil price rollback ng mga kompanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz, Petron Corporation, PTT Philippines at Total na P1.25 kada litro ng gasolina at P0.30 kada litro sa kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel epektibo alas-6:00 ng umaga.

Nauna namang nagpatupad ng bawas presyo sa ilang produktong petrolyo ang mga kompanyang Pheonix , Eastern Petroleum at Seaoil na kahalintulad sa mga nabatid na halaga na epektibo nitong Linggo.

Inaasahan namang susunod na magpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang ilan pang kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na bawas-presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Magugunitang nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.90 kada litro ng gasolina, P0.80 kada litro sa diesel at P0.80 kada litro sa kerosene.

 

Read More