ROTATING WATER INTERRUPTIONS IPATUTUPAD NG MAYNILAD

maynilad33

(NI KIKO CUETO)

NAGBABALA ang Maynilad na posibleng muli silang magpatupad ng rotating water interruptions sa mga susunod na araw.

Ito’y dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam, kahit pa nagkaroon ng pag-uulan, o dumaan ang tinatawag na ‘wet season’.

Ayon sa Maynilad, bumababa kasi ang lebel ng tubig sa Angat at Ipo Dam.

“Madalang ang pag-ulan sa Angat at Ipo Watersheds nitong nakaraang araw, kaya’t unti-unting bumababa ang tubig sa Angat at ipo Dams,” pahayag nito.

“Kaya nais naming na bigyang abiso ang mga Maynilad customer na mag-ipon ng tubig dahil posibleng ipatupad muli ang daily rotational water interruption, sakaling hindi pa rin umulan ng sapat sa mga watersheds at tuluyang maubos ang tubig na ipon sa aming reservoirs,” dagdag nito.

Sa pahayag, sinabi ng Maynilad na nanatiling kapos ang pumapasok na raw water supply sa Ipo Dam at water facilities nia.

Nananatili rin sa 40 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam.

Ang normal na alokasyon ay dapat na nasa 48 cubic meters.

Kahapon ng alas-6:00 ng umaga, naitala ang 187.54 cubic meters na tubig sa Angat Dam. Mas mababa ito kumpara kahapon sa 187.92. Ang normal operating level nito ay nasa 210 cubic meters.

Ang Ipo Dam ay 100.76 cubic meters, mula sa 100.90 kahapon. Ang normal operating level nito ay 101 cubic meters.

Ang La Mesa Dam ay nasa 77.87 cubic meters, mula sa 77.90 cubic meters. Ang normal operating level ay 80.15 cubic meters.

Pero sa panayam sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN na si Weather Specialist Lorie Dela Cruz, na bagaman may namataang low pressure area, wala naming malakas na ulan na siyang posibleng magbigay lunas sa muling nababawasang tubig sa mga dam.

“Unfortunately, wala tayong nakikitang weather disturbance ngayon na pwedeng mag-paulan. In the next 2 or 3 days, walang Bagyo o LPA na mabubuo sa Luzon o near Visayas,” pahayag nito.

 

 

347

Related posts

Leave a Comment