SKYWAY PLAZA DILAO BUKAS NA

skyway44

(NI DAHLIA S. ANIN)

MAAARI nang magamit ng mga motorista papasok at palabas ng Skyway ang Plaza Dilao ramp sa Paco, Maynila.

Pinangunahan ni Public Works and Highways Secretary (DPWH) Mark Villar ang opening ceremony ng pagbubukas sa new ramp na unang bahagi ng Skyway Stage 3 Project.

Ayon pa kay Villar, libre muna sa mgayon hanggang sa susunod na buwan ang mga class 1 vehicle sa paggamit nito.

Light vehicle o ung Class 1 lang muna ang maaring gumamit nito at dalawang lanes pa lang binuksan, isang pa-Northbound at isang pa Southbound.

Aabutin na lang daw ng limang minuto ang byahe mula sa Buendia hanggang Plaza Dilao via Skyway, ayon pa kay Villar.

Makikipag-ugnayan din ang kanilang ahensya sa iba pang ahensya ng gobyerno upang maisaayos ang daloy ng trapiko pag labas ng Skyway.

Positibo naman si Villar na makatutulong ito upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.

Nasa  70% palang ng Skyway Stage 3 ang nakukumpleto at inaasahang nasa 95% na ang matatapos nito bago matapos ang taon.

Sakaling makumpleto, ang Skyway Stage 3 ang magsisilbing ugnayan sa pagitan ng North Luzon Expressway at South Luzon Expressway, na magbababa sa haba ng byahe mula Makati papuntang Balintawak sa Quezon City na aabot na lang sa 15-20 minuto.

Nakatakda namang buksan  sa Martes ang C5 southlink, isa pang infrastracture project, ayon din kay Villar.

 

143

Related posts

Leave a Comment