TAAS-PRESYO NG PETROLYO IPATUTUPAD

oil price hike12

(NI ROSE PULGAR)

MATAPOS ang dalawang linggong sunod na rollback, magpapatupad na naman ang mga kompanya ng langis sa bansa ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod linggo.

Sa abisyo ng ilang insider sa oil industry, ang panibagong dagdag presyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
Ang presyo ng gasolina ay inaasahang tataas sa pagitan ng P0.90 hanggang P1.00 kada litro.

Habang aabot naman sa pagitan ng P0.70 hanggang P0.80 ang dagdag sa halaga ng bawat litro ng diesel samantalang P0.70 hanggang P0.80 rin kada litro ang sa presyo ng kerosene.

Sa Martes (Mayo 21) ng umaga inaasahang ipatutupad ng mga oil companies ang panibagong oil price hike.

173

Related posts

Leave a Comment