TRASLACION GAWING PAYAPA — ERAP 

erap

(NI MITZI YU)

UMAPELA si Manila Mayor Joseph Estrada sa mga mamayan ng lungsod at sa PNP na tiyaking ligtas at mapayapa ang traslacion sa Enero 9, Miyerkules.

Ayon kay Estrada, bagama’t naniniwala siya sa kapasidad ng PNP sa pangunguna ni General Oscar Albayalde at ni Manila Police Chief, Senior Supt Vicente Danao, Jr.; kailangan pa rin ang pakikiisa ng mga residente ng Maynila upang masiguro ang kaayusan sa prusisyon.

Ipinag-utos na rin ni Estrada ang paglililinis sa mga daraanan ng Itim na Nazareno, pati na ang mga obstructions tulad ng mga nakaparadang sasakyan, mga vendors, mga junked items at maging mga illegal terminals.

Inatasan din ng alkalde sina Manila Traffic Chief, Dennis Alcoreza at City Security Chief, Capt. Jimmy De Pedro na magpatrulya sa mga nalinis na daanan ng Traslacion upang matiyak na hindi magbabalikan ang mga tinanggal na obstructions.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Estrada sa pagtiyak ni Albayalde na walang banta ng terorismo sa Translacion bagama’t umapela rin siya sa mga barangay officials na makipagtulungan sa PNP sa pamamagitan ng pagmonitor sa kani-kanilang nasasakupan.

Muling nanawagan ang alkalde sa mga vendors ng fishball, barbecue, banana cue at mga isaw na huwag munang gumamit ng mga sticks sa kanilang paninda para hindi kito kumalat sa ruta ng traslacion.

“Nakikita natin puwede pala ang mga paper plate at mga paper cups sa mga fishball at. mga isaw, iyon na lang ang gamitin nila para matulungan din natin ang mga sasama sa prusisyon na huwag masugatan sa mga sticks kapag ikinalat ng mga bumibili,” sabi pa ni Estrada.

Inaasahan sa Miyerkules  ang pagdagsa ng  milyong deboto na taun-taung namamanata sa pagprusisyon ng  sinasabing milagrasong Black Nazarene.

 

267

Related posts

Leave a Comment