GRADE 7 NAGBIGTI SA TRAFFIC LIGHT

traffic

(NI JG TUMBADO)

IKINAGULANTANG ng mga motorista ang pagpapakamatay ng isang grade 7 student sa pamamagitan ng pagbigti nito sa mismong traffic lights sa sentro ng Koronadal City Biyernes ng gabi.

Napag-alaman kay PO2 Eduardo Villanueva, inakala lamang ng mga tao sa lugar na may kukuning bagay sa mataas na bahagi ng traffic light ang 19-anyos na lalaking biktima.
Pero laking gulat na lamang nila nang bigla itong maglagay ng tali sa poste ng traffic light at ikinabit sa kanyang leeg bago nagpatihulog.

Nangyari ang insidente pasado alas-8:00 ng gabi sa kalagitnaan ng dagsa ng motoristang bumabagtas sa lugar.
Mabilis namang rumesponde ang ilang tauhan ng Koronadal City police at ng rescue unit ng lungsod para sagipin ang buhay ng binata pero idineklarang dead-on-arrival na ito sa ospital.

Natukoy lamang ang pagkakakilanlan ng lalaki bilang sa pangalang ‘Boyet’.
Sa ginawang pagsisiyasat ng mga awtoridad, kinakitaan ng mga pasa sa katawan ang nasabing biktima.

Napag-alaman din na sumailalim umano sa hazing ng isang fraternity sa lungsod ang biktima bago ito nagpakamatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing pangyayari.

15

Related posts

Leave a Comment