TULFO: MANGGAGAWA HANGGANG SA LAYLAYAN IPAPRAYORIDAD

TINIYAK kahapon ni Cong. Erwin Tulfo na hindi lang mga poorest of the poor, senior citizens, persons with disabilities (PWDs) solo parents, kundi pati mga manggagawa at overseas Filipino workers (OFWs) ang kanyang ipaprayoridad pagdating niya sa Senado.

Ginawa ni Cong. Tulfo ang pagtiyak nang magtungo kahapon sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa The Manila Hotel upang ihain ang Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-senador.

“Okey lang ituloy natin ang pagtulong sa mahihirap at bulnerable ng lipunan na makaahon dahil kulang o wala pa,” ayon kay Cong. Tulfo, nang makapanayam ng mga mamamahayag.

“Pero at the same time, ‘wag din nating kalimutan ang mga nasa gitna o mga manggagawa na kadalasan ay nakakalimutan bagamat sila ang malaking ambag sa ating ekonomiya,” dagdag pa niya.

“Problema kasi nila, paano paabutin ang kita hanggang sa susunod na sweldo.”

Tiniyak din ng mambabatas na susuportahan niya ang Anti-Dynasty bill pag umabot sa punto na kailangan nang magbotohan sa Senado.

“Hindi lang naman ang Tulfo ang pwedeng tumakbo. Lahat pwedeng manungkulan, at maaaring mas magaling pa sa aming magkakapatid,” ayon sa nakababatang kapatid ni Sen. Raffy Tulfo.

Pero ngayon, ipinauubaya raw nila sa taumbayan kung gusto ng mga ito na may tatlong Tulfo sa Senado. Hiningi rin naman niya na bigyan siya kahit tatlong taon lang para ipakita ang kakayahang manungkulan sa Senado. At kung hindi, siya ay bibitaw at hindi na paabutin pa ang 2031 reelection.

Aniya, “Let’s give others a chance dahil wala ka namang silbi di ba?”

67

Related posts

Leave a Comment