Mga ‘camera conscious’ SANHI NG TRAFFIC SA NLEX

NAGIGING dahilan ng pagsisikip ng trapiko sa parte ng North Luzon Expressway na sakop ng Valenzuela City ang mga “camera conscious” na motorista na humihinto ‘pag malapit na sa camera gayong hindi naman dapat.

Bunsod nito ay nagbigay ng paglilinaw si Mayor Rex Gatchalian at sinabing hindi kailangang huminto dahil mawawalan ng saysay ang barriers up.

“For the motoring public of Valenzuela…you don’t need to do a full stop. Just hover at 30kph don’t do a full stop as it will defeat the purpose of barriers up,” sabi ni Gatchalian matapos na isang residente ng lungsod ang “magsumbong” sa alkalde sa social media.

“Barrier up nga sa Valenzuela at ang instructions direcho lang wag hihinto pero kailangan din huminto dahil may nakaabang na camera sa harapan. Galing talag[a] ng nlex imbes na ayusin ang Sistema, band [aid] solution ang ginawa. May traffic pa din o mayor,” anang netizen.

“Just drive through. You don’t need to stop because there is a camera,” paalala ng alkalde. (ALAIN AJERO)

174

Related posts

Leave a Comment