NAGPROTESTA muli sa harapan ng Korte Suprema ang mga dating tauhan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na nawalan at tinanggal sa kanilang trabaho.
Nanikluhod sila sa mga mahistrado ng high tribunal na magtakda ng oral arguments sa usapin ng kanilang separation at back pay.
Iginiit ng grupo na maglabas na ng pinal na desisyon ang third division ng Supreme Court kung saan parehas sila ng NLRC na nag-aatas sa LRTA na tumbasan ng bayad ang kanilang serbisyo.
Binigyang-diin din ng grupo na hindi tama ang SC En Banc na baliktarin ang desisyon kung saan pinaniniwalaan nito ang sinabi ng Commission on Audit pabor sa LRTA.
Taon na rin ang binilang ng kanilang ginagawang protesta para makuha ang nararapat na bayad at ang ilan sa kanila ay pumanaw na. (JULIET PACOT)
1