MGA INISYATIBA NG MERALCO SA PANAHON NG PANDEMYA

Ngayong panahon ng pandemya, napakahalaga ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng bansa upang masiguro ang patuloy na pagtakbo ng ekonomiya sa kabila ng krisis na ating kinakaharap.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung gaano kaganda ang kinalalabasan ng isang proyekto o programa kapag nagkakaisa at nagtutulungan ang pamahalaan at ang pribadong sektor.

Bukod pa sa magandang epekto nito sa ekonomiya ay napakalaki rin ng naitutulong nito sa mga mamamayan.

Sa madaling salita, ang pagtutulungan ang susi sa mabilis at muling pagbangon ng ating ekonomiya.

Ang Meralco ay kaisa ng bansa sa pagbangon mula sa matinding epekto ng COVID-19.

Sa kabila ng pandemya ay siniguro ng Meralco na patuloy itong makapagbibigay ng serbisyo ng kuryente sa mga konsyumer.

Batid ng Meralco ang matinding pangangailangan sa sapat at maaasahang supply ng kuryente sa panahon ng pandemya bunsod ng ‘bagong normal’, kung saan marami ang nagtatrabaho mula sa kani-kanilang mga bahay, at marami ang mga mag-aaral na mayroong online class.

Noong nakaraang taon kung saan mahigpit ang pagpapatupad ng mga lockdown, ginamit ng Meralco ang probisyon ng Force Majeure sa mga Power Supply Agreement (PSA) nito mula Abril 2020 hanggang Setyembre 2020.

Bilang epekto ay bumaba ang presyo ng generation charge, na siyang nagpababa rin ng kabuuang presyo ng kuryente.

Maituturing na napakalaking tulong nito para sa mga konsyumer dahil karamihan ay nasa loob lamang ng bahay 24/7 dahil sa lockdown.

Naging malaking tulong ang pagbaba ng presyo ng kuryente upang makontra ang pagtaas ng konsumo ng mga konsyumer.

Sa katunayan, umabot sa higit sa piso ang naitalang kabuuang pagbaba ng presyo ng kuryente para sa taong 2020.

Patuloy din ang paghahatid ng Meralco ng magandang balita sa mga konsyumer sa gitna ng pandemya.

Kamakailan ay inanunsyo ng Meralco ang pagbaba ng presyo ng kuryente para sa buwan ng Pebrero.

Mula sa presyong P8.75 kada kWh noong Enero, ito ay bumaba sa P8.68 kada kWh.

Tila pababa na talaga ang karaniwang paggalaw ng kuryente mula pa noong nakaraang taon.

Kung ikukumpara raw kasi ang presyo ng koryente ngayong buwan sa presyo ng kuryente noong Pebrero 2020, ang kasalukuyang presyo ay mas mababa ng P0.18 kWh.

Malaking kaluwagan ito para sa mga customer ng Meralco.

Ang pagbaba ng presyo sa anumang produkto at serbisyo ay maituturing na malaking tulong sa mga konsyumer lalo na ngayong napakarami ang walang sapat na panggastos kada araw.

Bilang tulong din sa mga konsyumer ay pansamantala ring inihinto ng Meralco ang operasyon nito ng pagpuputol ng serbisyo ng kuryente ng mga konsyumer na hindi nakakapagbayad ng bayarin sa kuryente sa tamang oras.

Halos 10 buwan din, mula Marso 2020 hanggang Disyembre 2020, ang ibinigay na palugit sa mga customer upang unti-untiin nitong mabayaran ang kanilang bayarin sa kuryente.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpapatupad ng Meralco ng No Disconnection policy nito para sa mga konsyumer na ang konsumo kada buwan ay 100 kilowatthour (kWh) pababa.

Sa mga panayam kay Meralco VP and Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, binigyang diin niya na hindi prayoridad ng Meralco ang pagpuputol ng serbisyo ng mga customer na hindi pa kumpleto ang bayad sa mga naipong bill.

Aktibo ring nakipagtulungan ang Meralco sa pamahalaan sa laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapailaw ng mga pasilidad para rito.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa higit 90 ang bilang ng mga pasilidad na pinailawan ng Meralco gaya ng tanggapan ng ahensya ng pamahalaan, pribado at pampublikong ospital, laboratory para sa testing, pasilidad para sa quarantine, at mga treatment center.

Ilan sa mga pasilidad na pinailawan ng Meralco ay ang Marikina COVID Testing Center ng Marikina noong Marso 2020.

Ang Ninoy Aquino Stadium na ginamit bilang pansamantalang pasilidad para sa mga pasyenteng may COVID-19, ang San Pedro District Hospital sa Laguna, at ang We Heal As One Center Megaquarantine Facility sa Philippine Arena sa Bulacan, ang mga pansamantalang mortuary freezer ng East Avenue Medical Center, Arlington, at Loyola sa Quezon City, na kapwa pinailawan noong Abril 2020.

Kasama rin sa mga pasilidad na kritikal ang papel sa laban sa COVID-19 na pinailawan noong Abril 2020 ay ang Kinpo Electronic Philippines sa Sto. Tomas, Batangas, na siyang gumagawa ng mga ventilator para sa mga biktima ng COVID-19.

Pinailawan din ng Meralco ang 30 na container van na inilaan ng pamahalaan para sa mga locally stranded individual (LSI) sa CCP Complex sa Pasay City noong Hulyo 2020.

Hindi rin naging hadlang para sa Meralco ang ipagpatuloy ang mga inisyatiba at programa nitong ukol sa pakikipagkawanggawa sa mga komunidad na tinutulungan nito. Sa kabila ng pandemyang COVID-19 ay ipinagpatuloy ng One Meralco Foundation (OMF), ang sangay ng Meralco na nangangasiwa sa pagtulong sa mga komunidad, ang proyekto nitong pagpapailaw ng mga paaralan sa mga lugar na hindi na abot ng pasilidad ng Meralco.

Layunin ng nasabing proyekto ang matulungan ang mga guro na magamit ang ipinapatupad ng pamahalaan na blended learning approach sa pagtuturo.

Tinatayang halos sampung taon nang aktibo ang proyektong ito ng OMF.

Sa ilalim ng nasabing proyekto, naglalagay ang OMF ng 1 hanggang 3 kilowatts na solar PV system sa mga pampublikong paaralan na matatagpuan sa mga liblib na lugar sa bansa.

Karamihan sa mga lugar na ito ay hindi na sakop ng Meralco.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 260 na paaralan ang napailawan ng OMF sa buong bansa.

114 na paaralan sa Luzon, 79 na paaralan sa Visayas at 67 na paaralan sa Mindanao ang natulungan ng proyekto.

Bagamat panandaliang naantala ang proyekto noong unang bahagi ng taong 2020, nagawan naman ng kompanya na ipagpatuloy ito.

Ang proyekto ay napakalaking tulong para sa mga magaaral at guro na walang access sa teknolohiya dahil sa kawalan ng serbisyo ng koryente sa lugar.

Sa pamamagitan ng proyektong ito ng OMF, nabigyan ng pagkakataon ang mga guro na ipatupad ang blended learning approach sa kanilang pagtuturo.

Ngayong panahon ng pandemya, napakahalaga ng pagtutulungan at pagkakaisa sa pagitan ng iba’t ibang sektor ng ekonomiya.

Bukod sa ating pinakahihintay na bakuna laban sa COVID-19, ang pagtutulungan at pagkakaisa ang susi sa muling pagbangon ng ating bansa.

Sa larawan ay isang Meralco lineman habang ikinakabit ang mga kable para sa pagpapailaw ng pasilidad para sa mga Locally Stranded Individual (LSI) na matatagpuan sa CCP Complex, Pasay City, kung saan ang mga container van ay inayos upang gawing pansamantalang tirahan ng mga LSI.

Sa larawan ay dalawang inhinyerong nagkakabit ng solar PV panel sa bubong ng Corocawayan Elementary School sa munisipalidad ng Sto. Nino, Samar sa ilalim ng Solar Electrification project ng One Meralco Foundation

310

Related posts

Leave a Comment