(Ni DANG SAMSON-GARCIA)
ISINUSULONG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang panukala na magpapataw ng parusa sa mga mag-aabandona sa matatandang magulang at maysakit.
Sa kanyang Senate Bill 29 o ang proposed “Parents Welfare Act of 2019,” nais ni Lacson na obligahan ang mga anak na suportahan ang kanilang tumatandang magulang lalo na kapag may karamdaman o wala nang kakayanan.
Sa panukala, gagawing criminal offense ang pagpapabaya sa mga magulang.
Maaaring maghain ang isang magulang na nangangailangan ng suporta ng petition for support sa korte laban sa kanyang anak na tumatangging mag-aruga sa kanya.
Ang mga anak na hindi magbibigay ng suporta sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan ay papatawan ng isa hang-gang anim na buwang pagkabilanggo o multang aabot hanggang P100,000.
“Whoever, having the care or protection of a parent in need of support, leaves such parent in any place with the in-tention of wholly abandoning the latter shall be punished with imprisonment of six years to 10 years and a fine of not less than P300,000,” saad pa ni Lacson sa panukala.
Nakasaad din sa panukala na magtatatag ng Old Age Homes.
