INAANYAYAHAN ng Philippine Postal Corporation ang mga mag-aaral na edad 9 hanggang 15 na lumahok sa 55th Universal Postal Union International Letter Writing Competition for Young People hanggang Abril 10, 2026.
Ang tema ngayong taon ay: “Write a letter to a friend about why human connection matters in a digital world.”
Layunin ng paligsahan na hikayatin ang mga kabataan na paunlarin ang kanilang kakayahan sa pagsusulat habang pinagninilayan ang kahalagahan ng ugnayan ng tao sa gitna ng pag-usbong ng digital communication.
Bukas ang kompetisyon sa mga mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.
Ang mananalo ng unang gantimpala ay makakatanggap ng ₱25,000 at ang kanyang liham ang magiging opisyal na entry ng Pilipinas sa pandaigdigang kompetisyon na inorganisa ng Universal Postal Union sa Bern, Switzerland.
Dapat sulat-kamay ang entry, maaaring nasa Ingles o Filipino, orihinal, at hindi lalampas sa 800 salita.
Para sa kumpletong mechanics at gabay sa pagsusumite, maaaring bisitahin ang: https://bit.ly/PHLPostLetterWritingInfo2026 Ang lahat ng entries ay dapat ilagay sa brown envelope at ipadala lamang sa pamamagitan ng PHLPost Domestic Express Mail Service (DEMS) sa: National Letter Writing Competition for Young People 2026, Business Lines Department – OAPMG for Operations, Philippine Postal Corporation, Manila Central Post Office Annex II Building Magallanes Drive, Liwasang Bonifacio Barangay 659-A, Ermita, 1000 Manila, Philippines.
88 