Nakasisira talaga ng ganda kapag ang hair mo ay sobrang oily, para kasing nababad ito sa deep fryer.
Kapag oily ang hair prone ka sa dumi o uncomfortable itching and seborrheic dermatitis. It can even provide a feast for the fungus na sanhi ng dandruff. Yuck ‘di ba?
Pero naroon din ang health advice na hindi naman dapat mawala ang lahat ng oil sa buhok. Ang natural oils kasi ang pumuprotekta sa hair mismo at mahalaga ito para sa healthy scalp and lustrous hair.
May remedyo ba sa oily hair?
1. Shampoo less often
May nagsasabing dapat higit sa isang beses na mag-shampoo ng buhok upang mawala ang oily hair. Pero ayon sa pag-aaral kung nakararanas pa rin ng oily hair ay mas tamang bawasan ang pag-wash sa buhok. Kung tatlong beses kang nagsa-shampoo mas mabuting gawin na lamang itong isang beses sa loob ng isang araw.
Over-washing can strip your scalp of its natural oils. Magiging daan lamang ito para mas mag-produce ang scalp ng oil to rehydrate.
If you tend to have dry skin or a dry, itchy scalp in addition to oily hair, slowly stretching how frequently you wash may help balance out your scalp’s oil production.
2. Wash hair properly
Kapag hindi tama ang pag-wash o pagsa-shampoo nasisira lamang ang scalp and hair.
Para sa proper washing magsimula sa paggamit ng kaunting shampoo sa roots and scalp. Iwasang gamitin ang mga kuko o magbigay ng anumang unnecessary friction sa strands. Kapag aggressive scrubbing kasi ay nakaka-irritate ng scalp dahilan para mag-produce ito ng sobrang oil.
Mag-focus sa scalp habang ito ay nililinisan dahil nandito ang oil at wala sa haba ng buhok.
Huwag direktang ilagay ang shampoo sa dulo ng inyong buhok. Hayaan lamang ito na bumaba ang shampoo naturally lalo na sa parteng nagbabanlaw ka na. Hindi na rin kailangang ulitin pa ang pag-wash sa process na ito.
3. Carefully condition your hair
Maging maingat sa paggamit ng conditioner dahil nagiging daan din ito para maging oily ang hair at mas napararami nito ang oil.
Kapag gumamit ng conditioner siguraduhing magagamit lang ito sa buhok at hindi malalagyan sa anit.
4. Choose natural
Iwasan ang paggamit ng straightening irons o blow dryers dahil ang masamang epekto nito ay nagiging daan din para maging oily ang hair. Hayaang matuyo ang buhok nang natural. Gamitan muna ng towel pero iwasang makuskos ito sa strand ng buhok. Matapos nito ay hayaang matuyo nang natural ang buhok.
5. Use products for your hair type
Kapag alam mo ang uri ng iyong buhok dapat ay gumamit din ng haircare products na akma sa iyong buhok. Kung hindi effective sa iyo ang nakaugalian mong shampoo, subukan ang clarifying shampoo na mas may stronger detergents. Mas nakatatanggal kasi ito ng oil sa buhok at for longer hours ay hair grease-free ka.
Pero kung mahilig ka sa sweaty workouts, mas mainam na gamitin mo ang baby shampoo para mild lang ito sa iyong scalp. Pwede ito sa frequent use dahil mild type naman.
6. Clean your brush regularly
Kadiring gamitin ang brush na marumi sa freshly washed na buhok, para ka lang ding naglagay muli ng dumi sa hair mo at nag-i-invite ka na mag-produce muli ang scalp mo ng oil.
Dapat regular na nalilinisan ang brush dahil maraming hair o styling products ang naririto. Anomang styling tools ay dapat maging malinis bago ito gamitin.
Sa paglilinis ng brush, pwedeng gamitan ito ng shampoo o mild shampoo. Siguraduhing matanggal ang mga dumi, product residue at loose hair lalo na matapos itong gamitin.
7. Use aloe
Malaking bagay na gumamit ng sabila o aloe dahil umaakto itong hair at scalp mask para matanggal ang excess oil sa iyong ulo. Tulong din ito dahil it fights product buildup, soothes the scalp, at napoprotektahan din ang strands. This way ay nagiging malambot at healthy ang hair.
8. Iwasan ang products na may silicone
Marami sa hair products kabilang ang shampoos, conditioners, creams, styling products ay mga gawa sa silicone upang maging smooth ang buhok at maging makintab ito.
Dagdag pa rito ang mga silicone tulad ng cyclomethicone, amodimethicone, at ang most common na dimethicone ay nabubuo sa scalp at buhok kaya nagmumukhang marumi ito, oily at mabigat.
Ayon pa sa mga dermatologist, “silicones can also prevent beneficial moisture from getting into the hair shafts. Do your roots a favor and skip any products with ingredients ending in “cone.”
9. Be always gentle
Ikaw man ay nagwa-wash, nagba-brush o nag-i-style ng buhok dapat maging gentle lang sa paglalagay nito. Kahit pa ang pagkakamot ay maging gentle rin. Kapag naiirita ang buhok ay nagiging sanhi ito para mag-over stimulate ang scalp at maging sanhi pa para ang oil glands para mag-produce ng mas marami pang oil.
10. Rinse properly
After mong gumamit ng shampoo, conditioner o anumang products siguraduhing mababanlawan ito nang maigi at walang residue na maiiwan sa buhok lalo na sa anit.
Mas maigi, matapos ang pagbanlaw ay pakiramdaman kung may malagkit o madulas pang nahahawakan sa anit at buhok saka gawin ang muling pagbanlaw dito. Isang senyales din na kailangan pa ng pagbanlaw kapag may pangangating nararamdaman dito.
11. Stop playing with it
Lock twirling, head scratching, running fingers through your hair – the more you play with your hair mas nagiging worse ang dating nito. Ang pag-brush at paghawak dito nang madalas ay nagiging daan para maging active muli ang oil glands.
12. Try dry shampoo
Posible na maging savior ang dry shampoo. Hindi magiging substitute ito for a sudsy o foamy wet wash,
but it can help dry out oils and give your hair a cleaner appearance. Marami sa mga dry shampoos ang malaking tulong din. It also add a touch of scent to help freshen up.
13. Avoid added moisture
Iwasan ang hair products na maraming moisture dahil lalo lamang nitong palalalain ang kondisyon ng inyong anit at buhok na oily na. Mas nagiging mabigat din ang buhok dahil sa added moisturizer.
