MAY mga nakukuhang impormasyon ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent na marami sa mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa ating bansa ay mga walang silbi sa China.
Parang noong panahon ng Kastila na ang mga Espanyol na nasa Pilipinas na kanilang sinakop ay mula sa mga mahihirap na probinsya sa Espanya at sinasabing ‘patapon’ din sa kanilang bansa at walang oportunidad kaya ipinadala nila sa ating bansa.
Pagdating ng mga Espanyol na ito sa Pilipinas naging powerful samantalang noong nasa Espanya ay sila ay mga ordinaryong mamamayan at hindi pinapansin ng kanyang estado.
Ganitong ganito ang senaryong nakikita ko sa mga ‘patapon’ na Chinese na ginagamit ang POGO para sila ay makapasok sa ating bansa at takasan ang kanilang responsibilidad sa China.
Sa impormasyong nakarating sa inyong DPA, karamihan sa mga Chinese na pasaway sa Pilipinas ay mula sa mga mahihirap na probinsya ng China na walang pinag-aralan.
Hindi naman kasi buong China ang mayaman. Yung mga nakikita natin sa YouTube na mayayamang probinsya ng China ay mga propaganda lang ng Chinese government at hindi ipinapakita ang mga probinsya na naghihirap ang kanilang mamamayan.
Tulad ng mga bansang mayayaman kagaya ng Amerika, marami ring mamamayan ng China ang hindi nakakapag-aral at hindi nakikinabang sa ipinagyayabang na yaman ng kanilang mga lider.
Dahil walang pinag-aralan, nasasangkot ang mga ito sa iba’t ibang krimen tulad ng murders, panggagantso sa kanilang kapwa Chinese, kidnapping, extortion at kung ano-ano pa.
At tulad din ng Amerika, hindi perpekto ang law enforcement ng China at hindi nahuhuli ang mga kababayan nila na nakakagawa ng krimen hanggang sa makaalis na lamang ang mga ito sa kanilang bansa para takasan ang krimeng nagawa nila.
Kabilang ang Pilipinas sa paboritong puntahan ng mga Chinese criminals at lalong dumami sila sa ating bansa dahil sa POGO at hindi na inalam ng mga otoridad natin ang kanilang background dahil may mga corruption employees at official ng Bureau of Immigration (BI) na nagpapalusot sa kanila kapalit ng malaking halaga.
Kaya huwag na kayong magtaka sa inaasta ng mga patapon na Chinese na ito dahil ano ang inaasahan mo nga naman sa mga illiterate dahil hindi sila nakapag-aral sa kanilang bansa.
Kung may pinag-aralan ang mga mokong na ito, kahit papaano ay kikilos sila nang maayos pero yung pagdudura, pagdadahak sa mga pampublikong lugar at kung anu-anong kababuyan ay indikasyon na wala silang pinag-aralan kaya walang modo. BERNARD TAGUINOD
207 