NAGPAABOT ng pagbati at papuri si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga atletang Pinoy na nanalo sa 11th ASEAN Para Games na idinaos sa Indonesia.
Para sa Pangulo, ang dedikasyon ng mga atleta ay “magandang halimbawa” sa mga kabataang Pinoy na nais subukan ang kanilang swerte sa Philippine sports.
“Binabati natin ang ating mga kampeon sa katatapos lamang na 2022 ASEAN Para Games na ginanap sa Indonesia. Pinatunayan nila na hindi hadlang ang kanilang kapansanan upang makamit ang tagumpay,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post.
“Ang kanilang katatagan at dedikasyon ay isang mabuting huwaran sa bawat kabataang nangangarap maging isang atleta,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo. (CHRISTIAN DALE)
297 