PINAYUHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Jakarta na manatili sa kanilang bahay at umiwas sa maraming tao habang nagpapatuloy ang marahas na protesta sa Indonesia.
“Filipinos currently in Jakarta should exercise caution and vigilance for safety, and avoid large crowds that may put themselves in danger,” ayon sa kalatas ng DFA.
Sinabi ng Philippine Embassy sa Jakarta na ang lungsod ay medyo ligtas subalit tiniyak na masusi nitong mino-monitor ang mga kaganapan at magpapalabas ng karagdagang patnubay kung kinakailangan.
Pumutok ang nationwide protests, araw ng Lunes dahil sa mababang sahod at di umano’y sobra-sobrang allowance ng mga mambabatas.
Umigting ang tensyon matapos na kumalat ang video na nagpapakita na may isang motorcycle delivery driver ang hinahabol ng police vehicle.
Samantala, ang sinomang Pilipino na apektado ng protesta ay maaaring makipag-ugnayan sa numero ng Philippine Embassy’s Assistance-to-Nationals via WA +62811887334.
(CHRISTIAN DALE)
146
