(NI JESSE KABEL)
GAYA nang inaasahan, may ilang kandidato rin ang dumalo sa ginanap na homecomming ng pamosong military school ang Philippine Military Academy Biyernes ng umaga sa Fort Del Pilar sa Baguio City.
Subalit, umiral ang military discipline sa loob bg hollow ground ng PMA dahil walang sumama o nagpakalat kanilang mga campaign materials sa loob at paligid nalapit sa PMA.
Una nang pinaalalahanan ng pamunuan ng PMA at Philippine Military Academy Alumni Association ang lahat ng pulitiko at kanilang Alumni na sasabak sa 2019 Mid-Term Elections
Ayon sa PMA, ang alumni homecoming sa PMA grounds ay isang sagradong lugar para sa mga lehitimong graduate premier militay school.
Ayon kay Lt/Col. Harry Baliaga, tagapagsalita ng PMA, mahigpit na ipagbabawal ang anumang uri ng aktibidad na may kinalaman sa eleksyon lalo na ang pangangampaniya
Dagdag pa ni Baliaga, sinabihan na ang bawat klase na may mga kasamang kandidato, kapwa alumni man o adopted Member na bantayan din ang mga aktibidad nito
Bagama’t hindi naiwasan na bangitin ang pangalan ng ilan . Ilan sa mga PMA alumni na sasabak sa halalan sina Gary Alejano, Ronald Bato dela Rosa, Art Lumibao, Leopoldo Bataoil habang adopted naman sina dating Secretary Mar Roxas, Bong Go at Senadora Grace Poe, Jinggoy Estrada. Ramon ‘Bong’ Revilla.
Naging panauhing pandangal sa nasabing pagtitipon si Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu na isa ring alumnus at dating AFP Chief of Staff.
Bibigyan din ng Outstanding Award si AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal bilang bagong Hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Bago magsimula ang okasyon ay pinagkalobaban ng Arrival Honors sina AFP Chief of Staff Madrigal at PNP Chief Albayalde maging sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año na isa rin sa mga alumnus ng PMA
Kabilang sa mga dumalo sa okasyon sina National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, National Peace Adviser Carlito Galvez at iba pang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya gayundin sa pulisya na nagtapos din sa PMA.
177