PANSAMANTALANG isasara ang lahat ng mga sementeryo sa Lungsod ng Malabon, alinsunod sa Executive Order No. 21-10-06-030 Series of 2021.
Sisimulan ang “lockdown” sa mga sementeryo sa Oktubre 29 at tatagal hanggang Nobyembre 3,
Gagawin ito upang maiwasan ang pagdami ng mga tao sa sementeryo na maaaring maging sanhi ng pagkalat ng COVID-19.
Samantala, maaaring bisitahin ng mga taga-Malabon, o may mga mahal sa buhay na nakalibing sa lungsod, ang kanilang mga yumao bago ang nakatakdang araw ng pagsasara ng mga sementeryo. (ALAIN AJERO)
