RAPIDO ni PATRICK TULFO
SA botong 55-0, iaakyat na sa Senado ang pagdinig sa pag-impeach kay VP Sara Duterte matapos aprubahan ng Justice Committee sa Kongreso ang resolusyon ng Articles of Impeachment.
Naghahanda na nga raw ang mga senador ngayong nasa kamay na nila ang magiging kahihinatnan ng VP sa larangan ng pulitika.
Naging viral naman si Sen. Robin Padilla sa sinabi nitong bilang miyembro ng oposisyon ay trabaho niyang mag-oppose o hindi sumang-ayon sa anomang ihahain sa kanila sa Senado.
Hindi yata alam ng mahal na senador na bilang mga tatayong hukom sa Senado, dapat ay pag-aralan nila ang merito ng isasampa sa kanilang kaso, kung ito ba ay may saysay o wala. Hindi mahalaga kung oposisyon ka man o hindi, kung makakita ka ng dahilan upang aprubahan ang isang kaso ay doon ka boboto.
Alam naman natin kung ano ang stand ni Sen. Padilla sa impeachment ni VP Sara dahil kilala siyang kaalyado ng mga Duterte, pero huwag naman masyadong garapal. Nasa Senado siya bilang senador ng bayan, hindi tagapagtanggol ng mga Duterte, dapat ay sikapin niyang maging patas para hindi siya maging katawa-tawa.
Marami na nga ang nagulat noong nanalo siya, ipakita naman niya na kahit papaano ay may silbi siya sa Senado, kahit marami ang tutol sa kanyang pag-upo.
Magbabantay tayo sa kahihinatnan ng hearing na gaganapin sa Senado
97 