NBI Hinahamon ng Club Apeiro sa Pasay?

Balitang ‘di Kanais-Nais ni Cesar Barquilla

BAGO natin simulan ang pagbibigay impormasyon sa kagalang-galang na National Bureau of investigation Director (NBI) Atty. Melvin Matibag, ay nais nating batiin ng Congratulations! ang ahensya dahil sa mga accomplishment na kanilang natamo tulad na lang ng pagpapasara ng KTV Bar ni former DENR Secretary Mike Defensor na sinasabing pronta ng prostitution.

Tutal mainit na mainit ang usaping putahan sa mga KTV Bar ay nais tumulong ng Balitang ‘di Kanais-Nais sa tanggapan ng NBI sa pamumuno ng matikas na Director Atty. Matibag, na bigyan ng tip kung saan-saang lugar nakapuwesto at pangalan ng club na talamak ang prostitusyon.

Unahin na natin, Sir Matibag, ang The Bay Club, White Bird, isama na rin natin ang Cove Sauna Bath and Spa sa Pasay City na halos katabi lang ng Baclaran Church, halos parehas ang kalakaran ng laman ang nabanggit na mga club kung kaya’t hindi lang mga negosyanteng Pinoy ang nawiwili rito kundi mga foreigner din.

Sir, dumako naman po tayo sa Siyudad ng Parañaque, kung ano ang naaktuhan n’yo at ng inyong mga tauhan sa club ni former Congressman Defensor, ay sinasabing mas masahol pa ang Apollo World Class KTV Bar, ayon sa ating source.

Ups! Muntik makalimutan ng Balitang ‘di Kanais-Nais ang La Party Club at Nephente Entertainment and KTV Bar na pawang nasa City of Parañaque, pakisilip naman po, NBI Director?

Pero ang mas nakagugulat. Director Matibag Sir, itong Club Apeiro One na nasa bisinidad din ng Pasay at malapit din sa Baclaran Church, ay hindi kayang tinagin ng kahit sinong PNP officials dahil hawak umano ito ng isang administration senator na siyang ipinagmamalaki ng may-ari ng club, pakisubukan mo nga?

Naniniwala ang mga Ka-Balitang ‘di Kanais-Nais na hindi ito palalampasin ng butihing director ng NBI, at bukas makalawa ay puputok ang balita sa diyaryo, radyo, tv at maging sa social media, sa gagawing raid, sabay sa pagpapasara ng mga bahay aliwan at pagsasampa ng kaso sa mga ito.

192

Related posts

Leave a Comment