MGA SUNDALO PINASALAMATAN NI GEN. BRAWNER

“LET me assure everyone that the AFP (Armed Forces of the Philippines)’s role in safeguarding our democratic institutions does not end today.”

Ito ang naging pahayag ni AFP chief-of-staff Lieutenant General Romeo Brawner kasunod ng kanyang papuri at pasasalamat sa buong organisasyon sa kanilang dedikasyon na pangalagaan ang pagkakaroon ng malinis, maayos at payapang May 12 midterm elections.

Ipinagmalaki ni Brawner na muling pinatunayan ng AFP ang pagiging isang non-partisan at matibay na haligi ng ating demokrasya.

Nagpasalamat din ang heneral sa mamamayang Pilipino sa kanilang pagtangkilik at aktibong pakikilahok na nagbigay daan sa tagumpay ng halalan sa bansa at gayun din ang tapat na pagtupad ng tungkulin ng militar.

“Inyong kinilala ang kanilang mga pagsusumikap sa pag-secure ng mga presinto, pagdadala ng mga materyales para sa halalan at proteksyon sa mga mamamayan lalo na sa mga liblib na lugar,” ani Gen. Brawner.

Bagaman’t patapos na ang bilangan at marami na ring na-proklamang mga kandidatong nagwagi sa local government post ay nananatiling nakatalima ang AFP sa pagtulong sa Commission on Elections (Comelec), Philippine National Police (PNP) at iba pang mga ahensya ng kinauukulan para sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagpapahalaga sa batas.

“As the 2025 National and Local Elections (NLE) draw to a close, I extend my deepest personal gratitude to all the men and women of the Armed Forces of the Philippines for their dedicated and professional service in support of this important democratic exercise,” saad ng hepe ng AFP.

“To the Filipino people—maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pagtitiwala. Your active participation and vigilance are what give life to our democracy,” dagdag pa ng heneral.

(JESSE KABEL RUIZ)

63

Related posts

Leave a Comment