MGA SUSPEK SA RAPE-SLAY SA SLOVAKIAN NATIONAL KINASUHAN NA

SINAMPAHAN na ng kasong rape with homicide ang mga suspek na gumahasa at pumaslang sa isang Slovakian national sa Boracay Island sa Malay, Aklan noong Marso 1, 2025.

Kinumpirma ni Aklan Police Provincial Office (APPO) PCol. Arnel E. Ramos, pormal na nilang sinampahan ng kaso ang mga suspek noong May 20, 2025, kasunod ng isinagawang malalimang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG) Michaela Mickova.

Sinabi ni Ramos, naging susi sa paglutas ng nasabing insidente ang pakikipagtulungan ng mga ahensya ng gobyerno at suporta ng lokal na komunidad ng Aklan.

Tumanggi namang magbigay ng karagdagang detalye ang SITG kaugnay sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Samantala, inihayag ng opisyal sa mga Aklanon at mga turista partikular na sa isla ng Boracay, na nananatiling ligtas ang nasabing lugar.

(TOTO NABAJA)

57

Related posts

Leave a Comment