WALANG kapangyarihan ang mga senador na ipa-deport si Chinese businessman Michael Yang, na kinilala ng mga executive ng Pharmally Pharmaceutical Corporation bilang financier ng kumpanya.
“The Senate, per se, does not have the power to deport,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque nang tanungin kung maaaring hilingin ng mga senador sa Bureau of Immigration na i-deport si Yang, dating economic adviser ni President Rodrigo Roa Duterte.
“It is, in fact, an executive function, and the Senate cannot order the executive to perform a purely executive act. That would be violative of the separation of powers and the concept of equality of powers,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang, sa naging testimonya ng mga Pharmally executive, itinuro ng mga ito si Yang na siyang nag-provide ng pondo sa kanilang kompanya nang pumasok ito sa bilyong pisong halaga ng kasunduan sa pamahalaan.
Ang Pharmally kasi ang nakasungkit ng ₱8.6 bilyong halaga ng kontrata para sa medical supplies sa kabila na ang paid-up capital lamang nito ay ₱625,000.
Itinanggi naman ni Yang ang naging testimonya ng mga opisyal ng Pharmally, aniya, ang kanyang kaibigan at hindi siya ang nag-provide ng pondo.
Nauna rito, sinabi ni Sen. Richard Gordon, nangunguna sa Senate blue ribbon committee, na kailangan na ang aksyon ng deportasyon kay
Yang sa pamamagitan ng verified complaint laban sa kaninomang dayuhan “for lawful grounds.”
Inirekomenda naman ng blue ribbon committee ang ilang kaso laban kay Yang, former budget officials, at Pharmally directors at officers.
Kabilang na rito ang graft and corruption, fraud, estafa, at falsification of public documents.
Inilista na rin ni Gordon ang mga posibleng kaso na susuporta sa deportasyon kay Yang.
“The Chinese businessman is also likely to face charges for disobedience to summons for snubbing Senate hearings,” ayon sa ulat. (CHRISTIAN DALE)
254 