MICHELLE DEE, RHIAN RAMOS AT SAMANTHA PANLILIO, PINASU-SUBPOENA NG NBI

PINAHAHARAP ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Biyernes sina Michelle Dee, Rhian Ramos at Samantha Panlilio kaugnay sa reklamong isinampa laban sa kanila.

Ganap na alas-2:00 ng hapon ang itinakdang pagdalo ng tatlo sa NBI Office of the Homicide Division upang magbigay ng kanilang panig at pahayag.

Ang subpoena ay may kaugnayan sa reklamo ng driver at personal assistant ni Ramos na kinilalang alyas “Totoy,” na nagsampa ng kaso para sa illegal detention, physical injuries at paglabag sa Anti-Torture Law.

Ayon kay Atty. Maggie Abraham-Garduque, naglabas din ng subpoena ang Prosecutor’s Office ng Makati kaugnay sa reklamong qualified theft na isinampa ng kampo ni Dee laban kay alyas “Totoy.”

Nitong Huwebes, nagtungo rin si Abraham-Garduque sa NBI upang maghain ng supplemental affidavit laban kay Xian Gaza kaugnay naman ng reklamong cyber libel.

(CHAI JULIAN)

1

Related posts

Leave a Comment