DAPAT ding makatanggap ng tulong mula sa pamahalaan ang mga middle class Filipino na apektado rin sa enhanced community quarantine bunsod ng worldwide coronavirus pandemic, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Sa ginanap na Laging Handa press briefing, inihayag ni DILG Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya na kabilang sa maaring magpagaan sa epekto ng ipinatutupad na ECQ sa hanay ng ibang formal sector o middle class ang pagbibigay ng 30 araw na grace period sa pagbabayad ng credit card.
Kabilang dito ang 30 araw na grace period sa pagbabayad ng renta ng bahay.
Bagaman mananatiling prayoridad ng pamahalaan sa mga ipinamamahaging food packs ang mahihirap na pamilyang Filipino. JESSE KABEL
186
