TINAWAG lamang umano ng Iglesia ni Cristo (INC) na “rally for peace” ang kanilang pagtitipon ngayong araw sa Luneta subalit ang katotohanan ay para ito proteksyunan ang mag-amang dating pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
“Organizers of the January 13 might deny it, but tomorrow’s gathering reeks of partisan politics – it is meant to shield Vice Pres. Sara Duterte from impeachment and her father Rodrigo from being held accountable for his crimes against humanity,” ani dating Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casino.
Ngayong araw ay inaasahang milyon-milyong miyembro ng INC ang dadalo sa kanilang pagtitipon sa Quirino Grandstand kung saan unang idineklara ng nasabing religious group na ito ay rally para sa kapayapaan.
Noong Disyembre, nilinaw rin ng INC na magtitipon ang mga ito para suportahan ang posisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kontra sa pagpapa-impeach sa pangalawang pangulo dahil mas maraming bagay ang dapat unahin kesa dito subalit iba ang paniniwala rito ni Casino.
“The Iglesia ni Cristo has labeled their activity a “Rally for Peace.” But there can be no peace without justice. And true justice demands accountability, especially from those who abuse their power and oppress the people,” dagdag pa ng dating mambabatas.
Ganito rin ang paniniwala ng isa sa tatlong miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara na si House deputy minority leader France Castro lalo na’t hindi lamang ang INC ang nasa likod ng rally kundi si SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta na kilalang kaalyado ng mga Duterte.
“This rally is not about peace and unity. It’s a calculated move to protect Vice President Duterte from answering serious allegations about her misuse of confidential funds and her accountability for the deteriorating quality of education in our country,” ani Castro.
Itinaon aniya ang rally sa paglabas ng resulta survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan 41% sa mga Pilipino ang suportado ang pagpapa-impeach sa pangalawang pangulo dahil sa kanyang mga asta at pag-iwas na sagutin ang lehitimong isyu kung saan niya ginamit ang kanyang confidential funds.
“Walang rally ang makapagbubura sa katotohanang dapat managot ang mga opisyal ng gobyerno sa kanilang mga ginawa. Ang milyong Pilipinong sumusuporta sa impeachment ay humihingi ng hustisya at pananagutan, hindi political theatrics. Walang tunay na kapayapaan kung walang hustisya,” ayon pa kay Castro. (BERNARD TAGUINOD)
