ISINUSULONG ni Senador Cynthia Villar ang isang panukala na magtatakda ng minimum wage sa mga nurse sa mga pribadong pagamutan sa buong bansa.
Sa kanyang Senate Bill No. 1837, nais ni Villar na atasan ang National Wages Productivity Commission (NWPC) ng Department of Labor and Employment na gumawa ng mga pag-aaral para sa minimum wage.
Nais ni Villar na ikunsidera sa pagtatakda ng minimum wage ang cost of living;
ang sahod na nakatakda sa public sector; ang lokasyon at bed capacity ng private hospital; at fair return ng employer’s capital
Batay sa datos ng Bureau of Local employment ng DOLE, sinabi ni Villar na ang entry-level ng isang registered nurse sa bansa ay P8,000 hanggang P13,500 per kada buwan.
Ang mga experienced registered nurses naman ay tumatanggap ng P40,381 kada buwan na mababa sa ipinaiiral sa Vietnam na P62,200 kada buwan habang sa Indonesia ay P79,000 bawat buwan; sa Thailand ay P83,000 bawat buwan; sa Malaysia ay P97,000 kada buwan at sa Singapore ay P236,400 kada buwan.
“The nurses working in private hospitals continue to receive meager salaries. While they are burdened with long hours of work and constantly exposed to health risks, the low salaries they receive do not reasonably and fairly recompense them,” saad ni Villar.
“It is time to show our gratitude to our nurses by making their salaries and benefits not only commensurate to the services they provide but also comparable to those of government nurses,” dagdag pa nito.
Batay sa panukala, ang mga pribadong ospital na hindi susunod ay papatawan ng multang hindi bababa sa P100,000 at hindi hihigit sa P1 million.(DANG SAMSON-GARCIA)
