KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes na wala sa Pilipinas ang asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque Jr. na si Mylah Roque.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing, sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na umalis ng bansa si Mrs. Roque patungong Singapore noong Sept. 3.
“Her lookout bulletin was issued on Sept 16, so she is not in the country right now,” ang sinabi ni Sandoval.
Sa kabilang dako, sinabi ni Sandoval na base sa kanilang data, si Harry Roque ay nananatili pa rin sa bansa.
“While former spokesperson Harry Roque has no recent departure as per our record and he has an immigration lookout bulletin (ILBO) which was issued on Aug. 6,” aniya pa rin.
Sa ulat, ang asawa ni Roque ay ‘cited for contempt’ ng House of Representatives Quad Committee, ipinag-utos ang pag-aresto sa kanya matapos na mabigo itong tugunan ang subpoena mula sa panel.
Iniimbestigahan kasi ng komite ang pagkakaugnay ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa illegal drug trade at extra-judicial killings sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
Samantala, sinabi naman ng Philippine National Police (PNP) na patuloy na nagsisikap ang tracker teams nito para hanapin si Harry Roque.
“We are encountering some challenges but we are not giving excuses, what we can give right now is our commitment. We will not stop looking for Atty. Roque but also for other wanted personalities,” ang sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo sa isang panayam. (CHRISTIAN DALE)
