Misteryosong text alerts pinabubusisi sa NTC BONGBONG SINASABOTAHE

(JESSE KABEL)

‘NAGSIMULA na ang bakbakan’ para sa nalalapit na 2022 general elections.

Reaksyon ito ng kampo ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kaugnay ng kumalat na emergency text alerts na nagpo-promote ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo.

Giit ng kampo ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa pagkapangulo, malinaw na pananabotahe ang pakay ng text alerts at wala silang kinalaman dito.

Panawagan ng kampo ni Marcos, isang malalimang pagsisiyasat sa anila’y malinaw na pananabotahe sa dating senador na naghain na kamakailan ng kanyang kandidatura sa Commission on Elections (Comelec).

Anila, hindi dapat palagpasin ng Comelec, National Telecommunications Commission (NTC) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pananabotahe at paggamit sa text blast messaging services na dapat sana’y ginagamit lamang para magpalabas ng babala kaugnay ng isang kalamidad o delubyo.

Naganap ang text blast sa mismong araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng dating senador.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal, hindi sa kanilang tanggapan nagmula ang mga nasabing emergency alert messages.

“We trust that the National Telecommunications Commission will be looking into this matter. Our people can be assured that the NDRRMC reserves the use of its warning systems for their mandated purpose only, that is to provide proper and timely warning to our people regarding natural hazards.”

Ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, isang malinaw na pananabotahe ang pagpapakalat ng mga nasabing “emergency alert messages,” na sadya aniyang itinaon sa mismong oras ng paghahain ng COC ng dating senador.

Pag-amin ni Rodriguez, maging siya ay nakatanggap ng kahalintulad na mensahe.

“No way we’re going to resort to such an illegal use of a tool meant to save lives. No supporter of Bongbong Marcos resorted to such an underhanded method. His numbers are doing very, very well and we have common sense in our team. We will not do such a thing to undermine or undercut all the gains we’ve been getting after all the hard work these past few years, months,” paliwanag pa ni Rodriguez.

158

Related posts

Leave a Comment