MMC humirit ng status quo MINORS ‘WAG MUNANG PAYAGAN SA MALLS

STATUS QUO ang hiling ng mga miyembro ng Metro Manila Council (MMC), ang policy-making body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at hindi ang pagpayag sa minors na magpunta sa malls.

Nagkasundo ang mga alkaldeng miyembro ng MMC na hintayin muna ang opinyon ng mga eksperto bago sila magsagawa ng desisyon kung papapayagan ang mga menor de edad na mamasyal sa malls sa Metro Manila kasama ang kanilang mga magulang.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nagkasundo ang Metro Manila Mayors na kailangan talaga ang magiging opinyon ng Philippine Pediatric Society kung dapat nang payagan ang mga bata na pumasok sa shopping malls kasama ang mga magulang

Inamin ni Garcia na kinunsulta nila si Dr. Joselyn Alonzo Eusebio, pangulo ng Philippine Pediatric Society, hinggil sa naturang isyu at nakatakda namang isumite ngayong araw ang resulta o opinyon ng PPS.

Dagdag pa ni Garcia, sakaling maisumite ito, agad din silang magpapatawag ng emergency meeting kasama ang mga alkalde ng Kalakhang Maynila upang ianunsyo kung papayagan o hindi ang minors mula 17-anyos pababa na mamasyal sa malls kasama ang mga magulang. (DAVE MEDINA)

130

Related posts

Leave a Comment