(NI ROSE PULGAR)
NAKATAKDANG magpa-deputize ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga lokal government unit sa Metro Manila para sa panghuhuli ng mga traffic violator lalu na sa anti-jaywalking.
“If we are already deputized by the local government units in Metro Manila, that’s the time that we can start apprehending traffic violators not only for jaywalking,” pahayag ni MMDA Traffic Czar Bong Nebrija.
Kung kaya’t sasailalim pa rin sa pagsasanay ang ilang enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga na-deputize.
Ang naging pahayag ni Nebrija ay bunsod sa MMDA Resolution No. 19-06, na humihikayat sa Metro Manila LGUs upang i-deputize ang MMDA para sa implementation ng kanilang traffic management ordinance na may kaugnayan sa anti-jaywalking, na inilathala noong Abril 4 ng taong kasalukuyan.
Ang naturang resolution ay epektibo ng matapos ang limang araw na publication.
Nabatid pa kay Nebrija, kasalukuyan pa rin silang nasa deputation process bago aniya tuluyang itong maipatupad.
Sakali aniyang ma-deputize na ang MMDA ng Metro Manila LGUs, maaari na aniya nilang gamitin ang citation ticket nito sa panghuhuli laban sa mga traffic violator partikular ang mga lumalabag sa anti-jaywalking.
Kapag, hindi na-settle ito violator ang multa ay iaalarma sila sa National Bureau of Investigation (NBI).
