INAKTIBO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Emergency Operations Center (EOC) upang mapabilis ang koordinasyon sa iba pang ahensiya ng pamahalaan kaugnay ng isinagawang pagtitipon sa EDSA.
Ayon kay MMDA General Manager Usec. Nicolas Torre III, nagdeploy ang ahensiya ng karagdagang traffic personnel katuwang ang Philippine National Police sa kahabaan ng EDSA, partikular sa People Power Monument sa Quezon City.
Sa direktiba ni MMDA Chairman Atty. Don Artes, agad na tinikitan at itinow ang mga sasakyang iligal na nakaparada sa EDSA-White Plains Avenue.
Patuloy ring mino-monitor nina MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas at ng MMDA Communications and Command Center ang sitwasyon sa EDSA at Liwasang Bonifacio gamit ang closed-circuit television (CCTV) system.
Naka-standby rin ang mga sasakyan ng MMDA upang magsakay ng mga pasaherong maaapektuhan ng malawakang pagtitipon.
(DANNY QUERUBIN)
88 