MODIFIED QUARANTINE NANGINGIBABAW SA REKOMENDASYON KAY PDU30

NANGIBABAW ang rekomendasyon na magpatupad ng modified community quarantine pagkatapos ng April 30.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng inaasahang ibababang pasiya ng Chief Executive mamaya sa kanyang public message kung mananatili o aalisin na ba ang Luzon enhanced community quarantine.

Ani Sec. Roque, bagama’t ang karamihan sa mga ekspertong kinunsulta ng Pangulong Duterte ay rekomendado ang modified quarantine ay sa bandang huli ay nasa Pangulo pa rin ang desisyon kung ano ang hakbang na ipatutupad nito pagkalipas ng Abril 30.

Mahirap aniyang pangunahan kung ano ang ipapasiya ng Presidente at ang mas mabuti aniyang gawin ay ipagdasal na lang ang Pangulo sa magiging kapasiyahan nito.

Sinasabing, sa modified quarantine ay inaasahang tuloy ang community quarantine sa

mayroon talagang outbreak habang maaari nang i- lift ang mga area na wala naman talagang kaso ng COVID 19. CHRISTIAN DALE

161

Related posts

Leave a Comment