MONTALBAN LIGHTNING RALLY: NOGRALES PA RIN!

TILA dumadagundong na kidlat nang maglabasan ang mahigit tatlong libong tao sa kalsada ng Montalban, Rizal noong Huwebes, Oktubre 7, upang salubungin si Congressman Fidel Nograles na naghain ng kanyang kandidatura para sa kanyang ikalawang termino bilang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Rizal.

Bumuo ng isang mahabang pila ang mga tao mula sa bungad ng Montalban hanggang sa sentro ng bayan na aabot sa tatlong kilometro na haba.

Hindi natinag ang pila ng mga tao ng ulan at habang hawak nila ang placard na “Nograles pa rin!” ay nagsigawan at nagtilian nang dumaan ang puting sasakyan ng kongresista.

Bukod sa mga supporters na nakapila, nagdagsaan din ang mga tao upang masilayan ang pagdaan ng batang kongresista na walang tigil sa pagkaway sa mga tao mula sa bintana ng kanyang sasakyan.

Hindi rin napigilan ang mga tao na kuyugin si Congressman Nograles upang magpakuha ng litrato pagbaba niya ng sasakyan.

Dagdag pa rito, nagkaroon ng isang Flash Mob o biglaang sayawan at pagdiriwang ng mga tao sa palengke kung saan bumaba ang kinatawan.

Samantala, nagpasalamat si Congressman Nograles sa dami ng mga sumalubong at nakiisa sa kanyang paghahain ng kandidatura.

Hindi raw niya inaasahan na sasalubungin siya ng isang Lightning Rally sa kalsada ng Montalban.

Bukod pa rito, patuloy ang Flash Mob ng supporters ni Congressman Nograles sa mga palengke ng Montalban noong Biyernes, Sabado, at Linggo upang magpakita ng suporta at pakikiisa.

Samantala, binanggit naman ni Congressman Nograles na ipagpapatuloy niya ang mga nasimulang proyekto sa Montalban tulad ng Northern Tagalog Regional Hospital, ang pinakaunang pambansang ospital sa Rizal, at ang Rizal-Bulacan Interprovincial Link Road na magdurugtong sa Rizal at Bulacan sa pamamagitan ng isang expressway o shortcut.

Tututukan din ni Congressman Nograles ang tuloy-tuloy na tulong pinansyal sa kanyang mga kababayan upang makaraos sa matinding pinsala na hatid ng pandemya.

139

Related posts

Leave a Comment